Pulitika2010

Everything you've wanted to know about RP politics, but were afraid to ask.

Noynoy doubts Villar’s rags story

Posted by akosistella on March 30, 2010

Villar insists ads are true, seeks apology


MANILA, Philippines 1st UPDATE – Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III on Tuesday said he does not believe Senator Manuel Villar’s claim that he came from poor origins.

Aquino said he and his siblings, including youngest sister Kris, were all born in the Far Eastern University FEU Hospital where Villar’s brother, Danny, was said to have been confined for 13 days because of leukemia in 1962, according to his death certificate.

“Eh may kaya naman kaming pamilya,” Aquino said in a press conference.

Click ABS-CBN News Online Beta.

HERE’S Dan Mariano’s take on the issue, in his Remate column, WARIi:

Paano namatay si Danny Villar?


Patuloy na natutuklap ang pagbabalat-kayo ni Manny Villar. At habang naliliwanagan ang madla sa tunay niyang pagkatao, patuloy rin ang pagbulusok ng tiwala ng mga botante sa kanya.

Kaya hindi daptat ipagtaka, lalo na ni Villar at ng kanyang mga kaalyado, kung bakit hindi niya maungusan si Noynoy Aquino sa sarbey. ‘Ika nga ng mga Tondeño, buko na siya.

Nitong huling mga araw, halimbawa, naisiwalat na naman ang isa pang ehemplo ng panlilinlang ni Villar.

‘Ika niya sa isa sa napakaraming patalastas niya sa telebisyon: Naransan n’yo na ba ang mamatayan ng kapatid dahil sa kulang ang medisina at pangangalagang medikal?

Tampok sa political ad ang retrato ni Manny at ng kanyang nakababatang kapatid na si Danny na namatay noong 1962. Si Danny daw, pahiwatig ng ad, ay namatay dahil kinapos ng panggamot ang pamilya Villar.

Pero mga dokumentong opisyal na rin ang magpapatunay na ito ay kabulaanan na naman, ani Winnie Monsod sa kanyang kolum sa Philippine Daily Inquirer noong Marso 27.

Ayon sa kopya ng “death certificate” mula sa Pambansang Tanggapan ng mga Estadistika (NSO), si Daniel Villar y Bamba ay anak nina Manuel Villar at Curita Bamba, na nakatira sa kalye Bernardo, North Balut, Navotas.

Nakasaad sa naturang dokumento na si Danny Villar ay namatay noong Oktubre 13, 1962 sa edad na tatlong taon at walong buwan makaraang bumigay ang kanyang puso at baga bunsod ng leukemia.

Namatay siya sa ospital ng Far Eastern University makaraan ang 13 araw na pamamalagi doon.

Pribadong pagamutan ang FEU Hospital at noong panahon iyon ito ay katumbas ng Makati Medical o Manila Doctors o St. Luke’s sa kasalukuyan, ani Monsod.

Sa mamahaling ospital idinala si Danny ng kanyang mga magulang gayong mayroon namang PGH o San Lazaro o iba pang pagamutan ng pamahalaan na mas mababa ang singil. Ganyan ba ang tunay na mahirap?

Makaraang tuluyang mamatay si Danny, idinala ang kanyang labi sa Funeraria Paz, isa sa dalawang pinakasikat na punerarya noong panahong iyon. Ang mahihirap, sa kalsada madalas pinaglalamayan.

Pero ngayon ipinapakalat ni Manny Villar ang alamat na kaya namatay ang kanyang kapatid na si Danny ay dahil sa wala silang pera para sa medisina at ospital.

Pinansin din ni Monsod ang tirahan na inilagay ng tatay ni Villar sa death certificate ni Danny.

Ang kalye Bernardo, ani Monsod, ay bahagi ng San Rafael Village, isang subdisyon na noong panahong iyon ay katumbas ng FilAm Homes ngayon sa Lungsod Quezon. Ibig sabihin, lugar ng mga maykaya sa buhay.

Tinukoy ni Monsod ang mga dokumentong nagpapatunay na ang tahanan ng pamilya Villar ay nakatayo sa lote na may sukat ng 560 metro kuwadrado.

Maaaring sabihin ni Villar na P16,000 lang ang ibinayad ng kanyang ama para sa kanilang lote’t bahay sa San Rafael Village. Pero, ayon kay Monsod, ang halagang iyon ay katumbas ng P1.266 milyon ngayon.

Ganito ba ang buhay mahirap na ipinapangalandakan ni Manny Villar sa kanyang political ad?

Ngayong Semana Santa harinawa’y magawa ni Manny Villar na pagsisihan ang kanyang panlilinlang at ihayag ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Kung mangyari man iyon, himala talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: